Biyernes, Disyembre 16, 2016

Siquijor's Salagdoong Beach Resort

         Ang Salagdoong Beach ay isa sa mga bantog na tabing-dagat sa isla ng Siquijor. Nakabibighani ang puti ng buhangin dito. Ang harap nito ay napaghihiwalay ng isang maliit na mabatong burol kung saan ka magiliw na makakaakyat para matanaw ng mabuti ang kabuuan ng tabing-dagat.


           Maaliw ka talaga sa ganda ng kanyang tanawin. Ang tubig ay malinaw at malinis. Marami kang makikitang mga isdang nagkukumpulan sa gitna ng dagat. Makikita mo rin ang tibay at ganda ng bagong gawang tulay at dausdusan. Maaliw ka sa pagpapadausdos ng paulit ulit. Meron ring dalawang talunan sa itaas. May mas mababa, meron ring napakataas na makapag-gising sayo habang tumatalon.

            Meron ding maliliit na bahay na nagsisilbing bahay pahinga para sa mga taong dumalo. Pwedeng ilagay ang mga pagkain at iba pang kagamitan dito. Masusulit talaga ang pagkakataon lalong lalo na kapag ikaw ay nakaupong ninanamnam ang malamig na ihip ng preskong hangin sa lugar.





























19 (na) komento:

  1. Ang ganda naman dyan bes! Dalhin mo naman ako jan! Libre mo! Hahaha joke! Labyuu bes. 😘

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wow! Nakaprivate talaga account mo? Wala mukha mo dito,Gerl hehe 😂

      Burahin
  2. Ang ganda naman dyan criz, pakisama ako ah? Ayiieee ❤️

    TumugonBurahin
  3. Nakapunta na ako dyan. Maganda talaga dyan.

    TumugonBurahin
  4. Punta tayo dyan this summer, Smay! Punta kami sa inyo.

    TumugonBurahin
  5. Dalhin ko girlfriend ko dyan, Criz, ikaw tourguide ha? 😂

    TumugonBurahin
  6. Sabi mo libre mo? Kahit entrance lang ha? Patay ka saken 😂

    TumugonBurahin
  7. Yeeeeeeeey punta kami dyan ngayong pasko! Excited na ako

    TumugonBurahin
  8. Guys! Pm nyo lang ako ha? Pag kailangan nyo ng tour guide. Willing ako. Hahaha labyu guys 😘

    TumugonBurahin